Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trust fund para sa mga magniniyog, isusulong sa Kongreso

$
0
0

FILE PHOTO: Coconut or Niyog (OLIVER JUAN / Photoville International)

MANILA, Philippines — Isusulong ng ilang grupo ng magsasaka ng niyog sa pangunguna ng Koalisyon para sa Ugnayang Magniniyog o KILUS-Magniniyog ang paglikha ng Coconut Farmers’ Trust Fund na gagamitin para sa pagpapaunlad ng industriya ng niyugan sa bansa.

Kukunin ang inisyal na kapital ng trust fund mula sa Coco Levy Fund na bahagi ng shares ng San Miguel Corporation na idineklara ng Korte Suprema na pag-aari ng gobyerno.

Ang Coco Levy Fund ay buwis na kinolekta sa mga magniniyog noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos upang mapaunlad ang industriya ng pagniniyugan sa bansa.

Tinatayang aabot na sa P73-billion ang halaga nito kasama na ang mga interes mula nang ibaba ang desisyon ng Korte Suprema noong Oktubre 2012.

Base sa panukala ng koalisyon ng mga magniniyog, idideposito sa isang bangko ang Coco Levy Fund upang huwag itong magalaw.

Ang interes lamang nito taon-taon ang gagamitin sa mga programa at proyektong nakaukol sa mga magniniyog. Halimbawa ay ang direktang pagbibigay ng assistance sa mga magniniyog at pagtatayo ng coconut-based enterprises.

Ayon kay Joey Faustino, Executive Director ng Coconut Industry Reform Movement (COIR), Layunin din ng panukalang batas na matiyak na mapupunta sa mga magniniyog ang bilyong pisong Coco Levy Fund na nakatengga pa rin hanggang sa ngayon.

“Since October 2012, these funds have interest for more than a year. So we calculate that it should be around P73 billion as of present with its interest at hanggang ngayon ay hindi pa yan napapakinabangan. Not a single centavo ay napapakinabangan ng mga tunay na magniniyog,” pahayag nito.

Ayon pa sa grupo ng mga magniniyog, hanggang ngayon ay walang malinaw na plano ang gobyerno kung paano nga ba at saan gagamitin ang Coco Levy Fund kaya’t sila na mismo ang gumawa ng inisyatibo upang ipanukala kung paano ito mapupunta sa tunay na mga magniniyog.

“The President himself has been very silent on this issue saying nothing about the coconut levy and how government intended to utilize the coco levy. Ang nagsasabi ho kung papaano i-utilize ang coco levy are different agencies of government. Mukhang maraming ahensiya ang interesado dito sa perang ito,” saad pa ni Faustino. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481