Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Tubig sa Angat Dam, umabot na sa critical level

$
0
0
FILE PHOTO: Angat Dam (UNTV News)

FILE PHOTO: Angat Dam (UNTV News)

MANILA, Philippines — Umabot na sa critical level ang tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan na siyang pangunahing nagsu-suplay ng tubig sa Metro Manila.

Alas-8 ng umaga kanina, nasa 180.83 meters na ang water level sa dam at makalipas lamang ang ilang oras ay bumaba na ito sa 180.08 meters.

Ayon kay Jorge Estioko, Deputy Executive Director ng National Water Resources Board, kapag naabot ang ganitong antas, tigil muna ang pagpapakawala ng tubig sa mga irigasyon sa Central Luzon lalo na sa Bulacan.

“Pag naabot natin ang 180 meters base sa existing reservoir operating guidelines yung releases sa irrigation dapat tigil muna”

Sinabi ng Angat Dam Management, posibleng bumagsak pa sa 170 meters o mas bababa pa ang lebel ng tubig sa dam kung magpapatuloy ang napakainit na panahon.

Sa ganitong lebel ay sisimulan ng magbawas ng suplay ng tubig sa Metro Manila kaalinsabay ang pagkakaroon ng mga water interruption.

Ayon sa NWRB, buwan pa lamang ng Marso ay inumpisahan na nilang bawasan ang alokasyon ng tubig na ibinibigay sa Maynilad.

Ngayong buwan ng Mayo, ibinaba na ito ng NWRB sa 41 cubic meters per second o 348 million liters a day.

Ayon kay Cherubim Mojics, Corporate Communications Head ng Maynilad, sa ngayon ay hindi pa naman kailangang magsagawa ng water interruption sa Metro Manila.

Kung mayroon aniyang nararansan mang water interruptions, ito ay dahil sa mga maintenance work ng gobyerno.

Nanawagan naman ang Maynilad sa mga consumer na magtipid sa tubig.

“Maging responsible sa paggamit ng tubig may el nino man o wala dapat yung tibig natin napapakinabangan ng tama at nagagamit ng maayos”

Samantala, hindi pa masabi ng pamunuan ng Angat Dam kung kailan makapagsasagawa ng cloud seeding upang madagdagan ang tubig sa dam dahil sa kawalan ng cloud formation sa lugar. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481