Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Vietnam vessel, gumanti ng water cannon vs Chinese ships sa South China Sea

$
0
0
A Vietnamese patrol vessel exchanges water-cannon fire with Chinese ships near an oil rig recently positioned by Beijing in the disputed South China Sea, state media reports. (Photo courtesy Reuters/VTV)

A Vietnamese patrol vessel exchanges water-cannon fire with Chinese ships near an oil rig recently positioned by Beijing in the disputed South China Sea, state media reports. (Photo courtesy Reuters/VTV)

VIETNAM — Nagpalitan ng water cannons ang Vietnamese patrol vessel at Chinese ships sa pinagaagawang Paracel Island sa South China Sea.

Ayon sa ulat sa Vietnam state media, nagsimula ang tensyon matapos tangkain ng Vietnam vessel na lumapit sa itinayong oil rig ng China kung saan naglagay pa ito ng banner na nagsasaad na lisanin ang teritoryo.

Agad naman umanong humarang ang labing limang barko ng China at kinanyon ng tubig ang Vietnam ship ngunit gumanti naman ito.

Noon pang Mayo 1 ay nagpadala na ng umaabot sa walumpung Chinese escort vessels, na kinabibilangan ng ilang warships at military planes ang China sa isla.

Ayon sa Vietnam, ang naturang teritoryo ay sakop pa rin ng kanilang 200-nautical mile exclusive economic zone ngunit pilit naman itong itinatanggi ng China. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481