DAVAO CITY, Philippines — Nagpaalala ang Department of Education-Region 11 sa mga magulang at magaaral na hindi pa rin nakapagpapa-enroll para sa school year 2014-2015.
Ayon kay DepED-11 Spokesperson Lito Atillo, hanggang Biyernes na lang tatanggap ng mga late enrollee ang lahat ng mga public elementary at high school sa Davao Region at wala ng extension.
“We need to also teach you also a lesson much has been given to you already and then there are so many reasons really in the world you can sight so ganyan talaga I mean if we have our responsibility you also must do your responsibilities.”
Sa pagtaya ng kagawaran ay naging maayos naman ang unang tatlong araw ng pasukan sa buong Davao Region.
Bagama’t may kakulangan pa rin sa mga classroom, humahanap naman ng paraan ng mga public school administrator upang ma-accommodate ang mga enrollee dahil na rin sa ‘no refusal’ policy ng kagawaran.
“1 is to 50 will be enough in our current set up but we can maximize up to 60 that will be dependent on how the chairs will be arranged but if we go beyond that then there is a need to prorate or distribute the children to other classrooms already,” saad pa ni Atillo.
Sa ibinigay na datus ng Deped-11, nangangailangan pa rin ang Region 11 ng 3,296 classrooms para sa elementary; habang 1,447 naman para sa high schools.
Kailangan din ng 2,277 elementary school teachers; at 1,555 high school teachers.
Nagpasalamat naman ang kagawaran sa lahat ng mga stake holder na nakiisa sa isinagawang Brigada Eskwela at mga tumulong upang magkaroon ng maayos na pagbubukas ng klase noong Lunes.
Ani Atillo, “We would like to thank all our partner groups I’m referring to the government agencies and those in the private sector salamat talaga Lalo na yung mga nagbigay ng ayuda sa atin sa panahon ng Brigade Eskwela, UNTV for example really is an epitomy of support for education malaki ang aming pagpapasalamat.”
Sa susunod na linggo pa inaasahang maglalabas ng datus ang DepED kung ilan ang nadagdag na elementary at high school students sa buong rehiyon ngayong school year. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)