
MANILA, Philippines – Naglabas ng panuntunan ang Quezon City government kaugnay ng pagkuha at paggamit ng travel pass sa nasasakupan ng lungsod sa ilalim nang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ).
Kailan HINDI kailangan ang Travel Pass sa QC?
- Kung papasok sa trabaho – Sapat na ang Company ID o Barangay Quarantine Pass (para sa mga self-employed)
- Delivery Services – Anomang delivery, courier o cargos services
- QC business – Muling pagbubukas ng negosyo kung ang establisyemento ay kabilang sa pinahihintulutan sa ilalim ng MECQ. Kung kinakailangan, maaring gamitin ang business permit na mula sa QC government.
- COVID-19 responder or APOR (Authorized person outside residence – Sapat na ang health professional ID o anumang government -issued pass gaya ng IATF ID.
Kailan KAILANGAN ang Travel Pass sa QC?
- Kung ikaw ay magbabyahe mula sa Quezon City patungo saan mang local government unit (LGU) sa kadahalinanang ‘indespensable’ o ‘emergency’.
- Kung ikaw ay hindi residente ng Quezon City na nagnanais makapasok sa lungsod sa ano pa mang kadahilanan
Maaring mag-apply ng QC travel pass sa pamamagitan ng pagpapadala ng aplikasyon sa email address na travelpass@quezoncity.gov.ph.
Mga kailangan sa pagkuha ng Travel Pass:
- Request letter na naka-address sa Office of the Quezon City Administrator na naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon:
- Contact number
- Place of Destination
- Place of Origin
- Date of travel
- Reason for Travel
- Vehicle Model/License No.
- Driver’s Name
- Passenger’s name
- Kopya ng alinmang government-issued ID na may litrato ng requester.
- Health clearance mula sa isang lisensyadong doktor
Para sa iba pang mga katanungan, tumawag lamang sa City Administrator’s office sa 9884242 loc. 1106 at 8405.
The post ALAMIN: Kailan kailangan at hindi kailangan ang Travel Pass sa QC? appeared first on UNTV News.