Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Presyo ng produktong petrolyo, muling tataas ngayong linggo

$
0
0

MANILA, Philippines – Muling magpapatupad ng dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong linggo.

Sa anunsiyo ng Chevron Philippines (Caltex), Shell Pilipinas at SEAOIL, tataas ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina ng P1.75, P2.10 sa diesel at P 2.65 sa kada litro ng kerosene.

Nag-abiso na rin ang Phoenix Petroleum at Petro Gazz na magpapatupad sila ng kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo maliban sa kerosene na hindi kasama sa kanilang mga produkto.

Epektibo ang oil price increase sa Martes, May 26.

Hindi pa kasama sa pinakahuling dagdag sa halaga ng petrolyo ang epekto ng 10 porsyentong dagdag-buwis sa lahat ng crude petroleum oil at refined petroleum products sa ilalim ng Executive Order 113 na layuning palakasin ang government revenues para sa COVID-19 response.

Ang dagdag-presyo ay bunsod na rin ng paggalaw ng presyuhan sa pandaidigang merkado mula nang bawasan ng oil-producing countries ang kanilang output sa gitna ng coronavirus pandemic.

Noong nakaraang linggo, nagpatupad rin ng piso hanggang dalawang pisong dagdag sa presyo ng diesel, gasolina at kerosene ang mga oil companies.

The post Presyo ng produktong petrolyo, muling tataas ngayong linggo appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481