QUEZON CITY, Philippines — Nagsagawa ng clean up drive ang UNTV volunteers sa Remarville Subd. Brgy Bagbag, Novaliches Quezon City bilang bahagi ng serye ng serbisyo publiko na isinasagawa ng UNTV katuwang ang Members Church of God International (MCGI).
Kaugnay rin ito ng ika-10 anibersayo ng mas pinalaki, pinabuti at mas pinalawak na public service ng UNTV.
“Sa pangunguna na aming mga mangangaral si Bro. Eli Soriano at Bro. Daniel Razon ay nakikiisa kami sa gampaning ito sa pagtulong sa aming mga kababayan sa pamamagitan ng public service,” pahayag ni Jeremi Reyes, isa sa mga volunteer.
Malaki naman ang pasasalamat ni Kapitan Richard Ambita sa ginawang paglilinis ng UNTV volunteers sa kanilang barangay.
“Nagpapasalamat ako sa miyembro ng Ang Dating Daan at binabati ko si Kuya Daniel sa matagumpay na programang ito at happy 10th anniversary sa UNTV.”
Hindi rin pinalampas ni Kapitan Ambita na muling magpasalamat kay Kuya Daniel Razon sa laging pag-alalay sa kanilang barangay.
“Sasamantalahin ko ang pagkakataong ito muling magpasalamat sa inyo dahil noong nakaraang Womens’ Month, isa ang UNTV sila ang nag-sponsor ng medical at dental mission sa aming brgy. Maraming nag-benefits doon lalong-lalo na mga kabarangay naming less fortunate constituent.”
Umaasa ang pamunuan ng Barangay Bagbag sa patuloy na pagsuporta ng UNTV at MCGI sa pag-abot sa mga pangangailanagn ng mga kababayang nangangailangan. (JP Ramirez / Ruth Navales, UNTV News)