Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Deadline sa pagbabayad ng Philhealth contribution para sa self-paying members, pinalawig hanggang June 30

$
0
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang deadline sa pagbabayad ng kontribusyon para sa self-earning members hanggang Hunyo 30.

Sa isang pahayag ngayong Martes, sinabi ng Philhealth  na ito ay upang mabawasan ang isipin sa bayarin ng mga miyembro nito sa gitna ng novel coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sinabi rin ng ahensya na maaari pa rin namang gamitin ang flexible at deferred payment scheme kung nanaisin ng overseas Filipino workers (OFW).

Sa Philhealth Advisory No. 2020-038, sakop din ng extension ang pagbabayad sa kontribusyon para sa professional practitioners at mga saklaw ng group enrolment schemes.

“They may pay their contributions at any of its accredited collecting agents (ACAs) and PhilHealth local health insurance offices (LHIOs) nationwide,” ayon sa ahensya.

Sinabi rin ng state insurer na maaaring magbayad ang mga employer ng premium remittances hanggang June 22 para sa mga buwan ng Pebrero, Marso at Abril.

“Employers in the public and private sectors have also been advised that their premium remittances for the applicable months of February, March and April 2020 can be paid until June 22, 2020 without interest, in line with the Bayanihan to Heal as One Act,” ani ng Philhealth.

Inanunsyo rin ng ahensya na maaaring magbayad ng inisyal ang mga OFW ng kanilang remium gamit ang dating rate na P2,400 at bibigyan sila ng isang taon para kumpletuhin ang natitirang balanse.

Nakapaloob ito sa Philhealth Advisory No. 2020-037 na nagsasaad ng mga panuntunan para sa overseas Filipino workers na apektado ng pagpapatupad ng Universal Health Care Act.

“It said that OFWs “may pay at the previous rate of P2,400 as initial payment” and are “granted One year or 12 months from the date of their initial payment to complete their balance for the year,” ayon sa Philhealth.

Nilinaw rin ng ahensiya na sa ngayon ay boluntaryo ang pagbabayad ng premium para sa mga OFW sa gitna ng pandemya ngunit aplikable pa rin ang mga probisyon ng Universal Health Care law ukol sa premium payment ng mga OFW hangga’t hindi ito inaamiyendahan ng Kongreso. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

The post Deadline sa pagbabayad ng Philhealth contribution para sa self-paying members, pinalawig hanggang June 30 appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481