Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

18 motorista na humarang sa bicycle lane sa EDSA, hinuli ng HPG

$
0
0

MANILA, Philippines – Muling nagpa-alala ang Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga motorista na bawal harangan ang bicycle lane sa kahabaan ng EDSA kasabay ng isinagawa nitong operasyon ngayong Huwebes, Hunyo 25.

Ayon kay PNP-HPG National Capital Region Police Colonel Wilson Doromal, sa loob lamang ng kalahating araw nilang operasyon sa Quezon Avenue at sa EDSA, 18 motorista na agad ang kanilang nahuli at binigyan ng ticket.

Kabilang sa mga nahuli ang mga pribadong sasakyan, mga motorsiklo at taxi dahil sa pagharang o pagparada sa bike lane.

“Obstruction ang kalimitang violations nila saka po yung disregarding traffic sign,” ani Doromal.

“Huwag na po nating paradahan itong bike lane. Ibigay po natin ang bike lane sa mga cyclist o nagbi-bisikleta para po iwas-disgrasya sila. Panatilihin po natin ang ating self-discipline, respetuhin po natin yung bicycle lane,” dagdag pa niya.

Ang bike lane ay inilagay sa EDSA para sa mga gumagamit ng bisikleta papasok sa trabaho sa gitna ng limitadong operasyon ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila.

Samantala, pinaalalahanan rin ng HPG ang mga motorista na huwag dumaan sa bus way dahil ekslusibong linya ito para sa city buses at maaari silang maharap sa multa kapag lumabag sa polisiya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

The post 18 motorista na humarang sa bicycle lane sa EDSA, hinuli ng HPG appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.