MANILA, Philippines — Isang araw bago basahan ng sakdal si Sen. Bong Revilla Jr. at mga kapwa akusado, pinababago ng prosekuyon ang mga impormasyong nakapaloob sa kasong plunder laban sa senador.
Sa mosyon na inihain ng prosekusyon, nais nilang bigyan ng diin na ang senador mismo ang nagpayaman at nagkamal ng ill-gotten wealth sa tulong ng kanyang mga kapwa akusado.
Maaari umanong tanggalin ng prosekusyon ang phrase na nagsasabing si Napoles ang nag misappropriate ng PDAF para sa kanyang sariling pakinabang.
– the phrase “enabling Napoles to misappropriate the PDAF proceeds for her personal gain” may be deleted –
Dahil ditto, ayon kay Atty. Fay Singson, abogado ni Napoles,hindi maaaring basahan ng sakdal ang mga akusado hanggat walang malinaw na impormasyong nag-aakusa sa mga akusado at hanggat hindi inaaprubahan ng korte na baguhin ang mga nasabing impormasyon.
Ikinatuwa naman ni Singson ang aksyon ng prosekusyon dahil isa sa kanilang mga argumento na hindi dapat sampahan ng kasong plunder si Napoles dahil ito ay pribadong indibidwal.
Sa mga naunang pagdinig, nais na nilang ipatanggal ang mga nasabing paragraph.
Gayunman sinabi ng abogado na nakatakda pa ring magtungo si Napoles ngayon sa korte matuloy man o hindi ang pagbasa ng sakdal.
Inaasahan ring magtutungo roon si Sen. Bong Revilla.
Si Janet Napoles ay nakakulong sa Fort Sto. Domingo habang si Sen. Revilla naman ay naka-detain sa Camp Crame.
Kapwa nahaharap sa kasong plunder ang dalawa kaugnay sa umanoy 10-billion pesos pork barrel scam.
Kanina ininspeksyon narin ng PNP ang paligid ng Sandiganbayan upang matiyak ang seguridad ng mga akusado na nakatakdang basahan ng sakdal at sa mga darating pang pagdinig na may kinalaman sa PDAF scam. (Grace Casin, UNTV News)