Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

UNTV Rescue Summit inumpisahan kahapon, iba’t ibang rescue group sumuporta

$
0
0

Tampok sa ginanap na kauna-unahang Rescue Summit ng UNTV sa World Trade Center ang exhibit ng mga rescue equipment ng iba’t ibang rescue group sa Pilipinas (UNTV News)

PASAY CITY, Philippines —Tuloy tuloy pa rin ang pagdating ng ating mga kasangbahay na gustong dumalo sa UNTV Rescue Summit sa World Trade Center sa Pasay City.

Kasama sa mga nakiisa ang iba’t ibang mga rescue group upang ipakita ang kanilang mga kakayanan sa pagsagip ng buhay at maging ang kanilang mga rescue equipment.

Pinangunahan ni Mr.Public Service Kuya Daniel Razon ang opisyal na pagbubukas ng rescue summit bilang bahagi ng ika-sampung anibersyo ng nag-iisang public service channel, ang UNTV.

Naging panauhing pandangal kahapon si MMDA Chairman Francis Tolentino.

Ayon kay Chairman Tolentino, napakagandang proyekto ang inilunsad ng UNTV dahil naaangkop ito sa ating panahon na maraming kalamidad ang dumarating sa bansa.

Hinikayat ni Chairman Tolentino ang lahat lalo na ang mga lokal na pamahalaan na makapagsagawa ng ganitong mga aktibidad upang mapalawak ang kaalaman ng mga tao hinggil sa tamang paghahanda.

Tampok din sa rescue summit ang exhibit ng mga rescue equipment.

Kabilang sa mga nakilahok na rescue groups ay mula sa MMDA, Coast Guard, Red Cross, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection at iba’t ibang mga LGU mula sa Quezon city, Manila, Marikina at Pasig city.

Sa pamamagitan nito, maipakikita ng mga rescue group ang kanilang kahandaan sa pagsagip ng buhay.

Isa rin ito sa mga paraan upang mas maging epektibo ang rescue operations ng bawat grupo.

Nagsagawa din ng mga rescue seminars mula sa iba’t ibang speakers at partners ng UNTV.

Nakakalat din ang mga booth at mga recreational activities na kinagigiliwan ng mga dumalo sa rescue summit.

Ang mga ganitong proyekto ay may kaugnayan sa adbokasiya ni Kuya Daniel Razon na “Tulong Muna Bago Balita” na naglalayong unahin ang pagtulong sa kapwa bago ang pagkalap ng balita.

Hanggang sa ngayon ay dumarating pa rin ang ating mga kasambahay dito sa World Trade Center.

Nagsagawa din ng fashion show ng mga rescue equipment at tactical gears. Gayon din naman ang raffle na pwedeng mapanalunan ng mga taong nasa venue. (Mon Jocson, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481