Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Korte Suprema, muling ipinagpaliban ang desisyon sa paglikha ng Sandiganbayan special divisions

$
0
0

Spokesperson of Supreme Court, Atty. Theodore Te (UNTV News)

MANILA, Philippines — Muling ipinagpaliban ng Korte Suprema ang desisyon sa hinihiling ng Ombudsman na lumikha ng special division sa Sandiganbayan.

Ang mga special division na ito ang nais ng Ombudsman na lumitis sa kasong plunder at graft na isinampa nila kaugnay ng pork barrel scam.

Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema, hinihintay pa ang komentaryo dito ng ibang mga akusado kayat wala pa ring desisyon dito ang korte.

“In view of the fact that it is awaiting the receipt of comment form, all the other parties of whom the Sandiganbayan may have served notice to, the court has deferred action on the Ombudsman’s request pending receipt of the comment from those parties”, ani Atty. Theodore Te, Spokesperson ng Supreme Court.

Hindi tiyak kung hanggang kailan maghihintay ang Korte Suprema sa komentaryo ng ibang akusado.

Ang Sandiganbayan na umano ang magsasabi kung nakapag sumite na ng comment ang lahat ng mga akusado.

“Officially the court does not know how many accused there are, how many people the SB may have directed to file their comment. That’s why the court will have to wait until the Sandiganbayan informs the court that everyone that it has notified to comment has commented”, dagdag nito.

Sa kanilang isinumiteng comment sa Korte Suprema, tinutulan nina Senador Juan Ponce Enrile at Bong Revilla ang paglikha ng special divisions.

Sisirain umano nito ang pagiging patas at independent ng korte lalo pa’t pipiliin ng Korte Suprema kung sinu sino ang itatalaga sa special divisions.

Una nang nagbigay ng kanilang komentaryo ang Sandiganbayan at sinabing hindi sila pabor sa hinihiling ng Ombudsman.

Wala naman anilang dahilan upang lumikha pa ng special divisions na siyang lilitis sa mga kaso.

Dapat anila na ang kasalukuyang mga division ang humawak sa mga kaso upang maging patas sa mga akusado sa PDAF cases at sa ibang may kaso ring hinaharap sa Sandiganbayan.

Apektado rin umano ng paglikha ng special division ang ibang mga kasong dinidinig ngayon sa Sandiganbayan dahil tiyak na bibigyang prayoridad ng mga mahistrado ang mga kaso ng PDAF. (Roderic Mendoza, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481