Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Weather forecast ng PAGASA, isasalin narin sa iba’t-ibang dialect

$
0
0

Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) press conference (UNTV News)

MANILA, Philippines — Sinusubukan nang isalin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa  iba’t ibang dialekto ang ulat sa panahon upang madaling maintindihan ng mga nakatira sa mga probinsya.

Ayon sa PAGASA, malaki ang maitutulong nito upang madaling maintindihan ng mga Ilokano, Bikolano, Bisaya  at iba ang ulat sa panahon lalo na kung may paparating na bagyo.

“Kasi meron din silang mga local translation like yung Habagat. May ibang term sa Bisaya, Bicol. So sinisimulan na nila para hindi magkaroon ng confusion sa tao”, saad ni Dr. Landrico Dalida Jr, Deputy Admin for Operation and Services, DOST-PAGASA.

Samantala, binabalangkas narin ng PAGASA  ang ilalabas nitong storm surge warning signal.

Kagaya ng signal kapag dumarating ang bagyo, maglalabas narin ng storm surge warning signal mula 1 hanggang 3.

Isa ito sa mga improvement na ginagawa ng PAGASA dahil sa storm surge sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Yolanda ng nakaraang taon.

“Sa assessment ng World Metreorological Organization, tama o accurate naman ang naging pagtaya ng PAGASA sa bagyong Yolanda maging sa taas na maaaring abutin ng storm surge… subalit iminungkahi naman nito sa idetalye ang magiging impact sa dadaanan”, pahayag mula sa DOST-PAGASA.

Ayon naman kay Dr. Flaviana Hilario, Acting Deputy Admin for Research and Development, “Ang isa sa sinabi nila ay aside from giving forecast itself ay yung impacts na actually tiningnan niyo. Nandoon na yung mga impacts pero paano pa ba madadagdagan siguro yung impacts.”

Sa pagtaya naman ng PAGASA sa magiging epekto ng El Niño sa bansa, halos pareho pa rin ang dami ng mararanasang pag-ulan hanggang sa buwan ng Setyembre.

Hindi rin maaapektuhan ang bilang ng bagyong papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR subalit palihis naman ito sa bansa sa kasagsagan ng epekto nito.

“Medyo hawig siya noong 2009 in terms on the onset pero as we have seen on the impact of the El Niño, walang 2 El Niño impacts are alike pero generally speaking, pagdating na ng last quarter, pag nag-start ng July, pagdating na ng October to December hanggang March, nadoon na yung impact na decrease in rainfall”, paliwanag ni Hilario. (Rey Pelayo, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481