Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

UNTV, katuwang ang Members Church of God International, nagsagawa ng feeding program sa mga senior citizen sa Guyaquil, Ecuador

$
0
0

Ang ilan sa mga lolo na benepisyaryo ng isinagawang feeding program sa Fundacion Clemencia Ciudad De Los Ancianos sa Ecuador  (UNTV News)

GUYAQUIL, Ecuador — Napaglingkuran ng UNTV,  kasama ang Members Church of God International ang mga senior citizen at mga staff ng Fundacion Clemencia Ciudad De Los Ancianos dito sa Ecuador sa pamamagitan ng isang feeding program.

Ang Fundacion Clemencia Ciudad De Los Ancianos ay isang home for the elderly na mahigit labing tatlong taon nang lumilingap sa mga matatanda.

(Translated) “Ang principal goal ng Fundacion Clemencia ay tulungan ang mga tao na inabandona na nakatira na lang sa mga kalye. Ang Fundacion Clemencia ay nasa 14 anyos na ang mentor ay si Dr. Jose Salazar”, salaysay ni Fernanda Salazar, Public Relations Officer.

Umaabot sa isandaang mga katandaan ang inaalagaan sa foundation na ito.

(Translated) “Meron kaming 98 na matatanda dito, humigit 60 porciento sa kanila abandonado at nakatira sa mga kalye. Ang mga police, dinadala naman sa mga hospital ng Guayaquil at sa iba’t abang mga institution at dinadala din naman dito sa foundation namin kasi alam nila tumatanggap kami ng mga abandonado at ibinibigay namin ang lahat ng kanilang mga pangangailangan. Ang problema ng sociedad ang mga pamilya, walang mga pasensya at walang mga pag-ibig din naman.”

Ayon kay ginang fernanda salazar, public relations officer ng foundation na ang untv ang kauna-unahang tv station na nagsagawa sa kanila ng ganitong uri ng paglilinkod.

(Translated)“Gusto naming magpasalamat at masaya kami sa pagtanggap programang UNTV na taga-Pilipinas. Salamat sa pag bisita at sa bendisyon o pagpapala para sa mga taong matatanda at welcome kayo dito sa aming lugar”, dagdag ni Salazar.

Matapos ang feeding program, ay inaliw naman ng mga Members Church of God International sa Equador ang ating mga lolo at lola sa pamamagitan ng pag awit at pasayaw.

(Translated) “Binabati ko na especial si kapatid na Eli at kapatid na Daniel na taga-Iglesia ng Dios Internacional at lahat ng taga-Pilipinas. Nagpapasalamat kami ng maraming salamat sa pag-ibig na inyong ginagawa. God bless you.”

Naisagawa ang feeding program dito sa Ecuador dahil sa adhikain nina Bro.Eli Soriano at Kuya Daniel Razon na makagawa ng mabuti sa lahat ng tao anuman ang lahi at paniniwala. (Sherwin Damasco, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481