Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Tricycle, e-trikes at bangka, pinayagan nang bumiyahe ng ilang LGUs

$
0
0

MANILA, Philippines – Ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang pinayagan na ang pagbyahe ng mga tricycle, e-trikes at bangka sa kani-kanilang lugar sa gitna ng pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Subalit, tiniyak ng mga ito na nasusunod ang mahigpit na health and safety protocols para sa mga drivers at pasahero. 

Sa Navotas City, may byahe na ng bangka papunta sa Malabon City para maghatid ng mga pasaherong papasok sa trabaho at uuwi sa kani-kanilang bahay. 

Limang piso (P5) kada isang tao ang singil ng mga bangkero at ayon kay Geronimo Meno, malaking tulong na ito pantawid sa kaniyang pamilya.

“Nakakaraos naman pang-araw-araw. Kahit pang-bigas, nakakakuha,” pahayag nito.

Si Lalaine Ama, malaki na ang nagastos para lang makapasok sa trabaho simula nang magluwag ang community quarantine sa Metro Manila.

Mula Navotas City ay kailangan niyang bumiyahe patungong Quezon City araw-araw.

“Noong unang linggo ng June na pumasok na, P400 plus ang pamasahe ko,” aniya.

Ngayong balik MECQ, naglaaan na ng service ang kanilang kumpanya pero sa Malabon pa ito nakahimpil kaya kailangan pa rin niyang sumakay ng bangka para makarating kung saan nakaistasyon ang kanilang service.

Pero malaking tipid na rin aniya kasya sumakay siya ng tricycle palabas ng C4 kung saan gagastos siya ng P50 kada byahe.

Bukod sa bangka ay pinayagan na ring makabyahe ang tricycle at pedicab pero ayon kay Mang Virgilio Cañese, mababa na sa ngayon ang kanilang kinikita.

“Dati nakaka P400 kami, P500. Ngayon swerte na maka P100 ka ngayon dahil walang tumatawid,” ayon kay Mang Virgilio na 30 taon ng padyak driver.

Pinayagan ng city government ang ganitong sasakyan sa ilalim ng MECQ para makapaghatid ng mga manggagawa na pinapayagang makapagtrabaho partikular sa Navotas Fishport.

Sa Maynila naman, pinayagan na ni Mayor Isko Domagoso ang pagpasada ng mga tricycle, e-trikes at pedicab sa lungsod kahit MECQ upang matulungan ang mga driver na kumita para sa kanilang pamilya.

Gayunman, mahigpit ang bilin ng alkalde na isang pasahero lang dapat sa bawat byahe ang pwedeng maisakay.

“Kaya sa lahat ng kaanak ninyo, maghanap buhay kayo sa tatlong gulong. Mayroon lang akong ipakikisuyo: tupdin natin ang panawagan ng IATF. Hangga’t maaari, isang pasahero lang,” pagbibigay diin nito.

Bukod sa Navotas at Maynila, pinayagan na rin ang mga sasakyang ito sa lugar ng Muntinlupa, Pasig, Paranaque, Taguig, Valenzuela, at Quezon City. 

Sa isang panayam sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na papayagan lamang ang mga tricycle na bumiyahe kung ito ay para maghatid ng medical frontliners, sa panahon ng emergency, at para sa mga taong kailangang bumili ng essential goods. –MNP (sa ulat ni Rey Pelayo)

The post Tricycle, e-trikes at bangka, pinayagan nang bumiyahe ng ilang LGUs appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Pokemon para colorear


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Sapos para colorear


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog Breakup Quotes


RE: Mutton Pies (frankie241)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo Create - Video Maker & Editor 1.5.2 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.8.1 by Vimeo.com, Inc.