Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Senado, planong magtakda ng pagdinig bago ang SONA ng pangulo upang pagpaliwanagin si DBM Sec. Abad sa isyu ng DAP

$
0
0

Presidential Spokesman Sec. Edwin Lacierda (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nanawagan sina Senador Chiz Escudero, Grace Poe at Cynthia Villar na klaruhin ni DBM Secretary Butch Abad sa publiko kung ano ang Disbursement Acceleration Program o DAP na ideneklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Ayon sa kanila, dapat ipakita ni Abad na ang salaping mula sa kaban ng bayan ay nagamit ng tama.

“Ngayong lumabas na ang desisyon, ngayong buong-buong desisyon nabasa na nila. Siguro wala ng hadlang para hindi lumabas ang DBM at DBM Secretary at ipaliwanag o magpaliwanag kaugnay ng DAP”, ani Escudero.

“Ang punto ko dito, talagang kailangan nilang patunayan at sa tingin ko makatutulong din kay Secretary Abad na ipakita niya na yung pinagkagastusan ng pera ay tunay na nakatulong”, pahayag naman ni Poe.

“Para maliwanagan natin ano talagang sistemang tama, kasi infairness to the lawmaker, binigyan sila ng budget. Hindi naman nila alam saan galing yun kung sa DAP, PDAF o GAA”, saad ni Villar.

Plano ni Senador Escudero, Chairman ng Committee on Finance na idaan sa pagdinig ang nasabing isyu upang magpaliwanag si Abad bago ang State Of the Nation Address ni Pangulong Aquino.

Ayon naman sa Malacañang, sakaling ipatawag nga si Abad ng senado, kailangan ang pag-apruba ni Pangulong Aquino bago ito humarap sa hearing.

“We will always been forthright with our appearances but again when you speak, you speak specific statements, specific appearance. It has to go through”, wika ni Presidential Spokesman Sec. Edwin Lacierda.

Naninindigan ang executive branch na kahit na ideneklarang unconstitutional ang DAP, walang sinabi ang Korte Suprema na mayroon silang liability o pananagutan.

“Never they have discussed the liability. This is the first time that I’ve seen a decision even the most and parating sina-cite na SC case on opertaive fact.” (Bryan De Paz, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481