MANILA, Philippines — Dinismiss ng Supreme Court ang supplemental petition ni Attorney Gigi Reyes na naglalayong mapawalang bisa ang arrest warrant na inisyu sa kanya ng Sandiganbayan.
Ayon sa Korte Suprema, depektibo ang inihaing supplemental petition ni Reyes dahil sa hindi nito pagsunod sa tamang panuntunan.
Dapat aniyang nagfile muna ng motion for leave of court si Reyes bago nito isinampa ang kanyang supplemental petition.
Sinabi pa ng korte na dapat ay isang hiwalay na petisyon ang inihain ni Reyes at hindi supplemental lamang dahil hindi ito konektado sa una niyang petisyon.
Sa kanyang orihinal na petisyon sa Korte Suprema, kinuwestyon ni Reyes ang resolusyon ng Ombudsman na nagsasabing may basehan upang kasuhan siya ng plunder. (UNTV News)