Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ikalawang impeachment complaint vs. Pang. Aquino, inihain ng grupo ng mga kabataan

$
0
0
Naghain ang Kabataan Party-List ng 23-pahinang impeachment complaint sa kamara laban kay Pangulong Benigno Aquino III kauganay sa paggamit ng pangulo sa pondo ng DAP (UNTV News)

Naghain ang Kabataan Party-List ng 23-pahinang impeachment complaint sa kamara laban kay Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa paggamit ng pangulo sa pondo ng DAP (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inihain na sa kamara ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa paggamit ng pondo ng DAP na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

23 pahinang impeachment complaint ang inihain ng 25 youth organization laban sa presidente na inindorso naman ng Kabataan Party-List.

Kabilang sa mga youth leader na lumagda sa reklamo ay mula sa University of the Philippines (UP), University of Sto Tomas (UST), Polytechnic University of the Philippines (PUP), De La Salle University (DLSWU), San Beda at Normal University (NU).

Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Terri Ridon, laging kapos ang taunang budget na ibinibigay ng gobyerno sa mga kabataan para sa kanilang edukasyon gayung may mga pondong ginagamit ang presidente sa iba’t ibang proyekto na para sa kanyang mga kaalyado.

“Mas maganda na marepresent ng hiwalay yung mga youth group kasi talgang isa sa nagkakampanya ng anti-corruption at lipunang pagbabago ay ang kabataan,” saad ng mambabatas.

Siniguro naman ni House Committee on Justice Chairman Niel Tupas Jr na dadaan sa mabilis at tamang proseso ang impeachment complaint.

Nagbabala rin ito sa mga complainant na tiyaking sapat at mabigat ang mga ebidensyang kanilang hawak upang patunayang sinadyang labagin ng pangulo ang saligang batas.

Aniya, “Two things must be present for an impeachment to succeed. Number one is the evidence should be strong malakas na malakas, number two there should be very strong public support. So absent one or the other or both the impeachment would fail.”

Samantala, wala namang planong mag-inhibit ang mga miyembro ng Justice Committee na umaming tumanggap ng pondo sa ilalim ng DAP upang hindi mabahiran ng pulitika ang impeachment proceedings.

Ilan sa mga administration congressman na umaming napaglaan ng pondo sa ilalim ng DAP ay sina Iloilo Rep. Jerry Treñas na tumanggap ng ₱10 million, Caloocan Rep. Edgar Erice sa halagang P40 million, at si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

“I don’t see any reason why should I inhibit because the DAP project did not go to me,” mariing pahayag ni Treñas.

“I have sworned to perform my duty and there for I should not inhibit and I would not inhibit,” saad naman ni Umali.

Ayon naman kay Tupas, “Kung ang question ay magiinhibit ba yung iba we will address ito to the individual member voluntary yun depende sa iba.”

Kaugnay nito, una nang sinabi ng mga kongresistang miyembro ng United Nationalist Alliace (UNA) na hindi nila susuportahan ang anumang impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino.

Sinabi ni UNA Secretary General Congressman Toby Tianco na ito ay upang hindi magkaroon ng conflict of interest dahil ang kanilang chairman na si Vice President Jejomar Binay ay ang second highest official ng bansa.

“UNA will not participate in moves to impeach the President on the unconstitutionality of DAP, out of delicadeza and for reasons of conflict of interest since the Vice President is the second highest official of the land.” (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481