BATAAN, Philippines – Muling ipinagpatuloy ngayong araw, Miyerkules, ng Bataan Rescue Units ang paghahanap sa katawan ng lalakeng nahulog sa ilog noong nakaraang lingo.
Ang biktima na si Mhel Adrian Gomez Biscocho ay nadulas umano sa rip rap at nahulog sa ilog.
Ala-7 kaninang umaga nang simulan ang retrieval operation ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang biktima.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nahihirapan ang mga rescuer dahil ilang araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente.
Tinatayang sampung kilometro ang susuyurin ng mga rescuer para lamang makita ang bangkay, dagdag pa rito ang malakas na agos ng tubig sa ilog.
Gayunpaman, umaasa pa rin ang mga kaanak na makikita ang katawan ng biktima upang mabigyan ito ng maayos na libing. (Joshua Antonio / Ruth Navales, UNTV News)