Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga pulis ng QC, nakilahok sa isinagawang earthquake drill upang mabatid ang gagawin sa oras ng sakuna

$
0
0

Nagsagawa ng earthquake drill ang Quezon City Police District upang masiguro ang kahandaan ng kanilang mga tauhan sa panahon ng sakuna (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Isang earthquake drill ang isinagawa kanina ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) bilang bahagi ng nationwide simultaneous earthquake drill.

Layunin nito na maipabatid sa mga pulis ng Quezon City ang kanilang gagawin sa oras na magkaroon ng malalakas na lindol.

“Ito’y ginagawa naming quarterly para ma-inform ang mga tao na laging handa sa anumang darating na sakuna,” pahayag ni Directorate for Police Community Relations (DPCR) Deputy Insp. Joy Opalec.

Sa unang bahagi ng drill, agad na nagbigay hudyat ang emergency alarm sa buong gusali ng QCPD, upang ipabatid ang agad na paglikas ng mga empleyado nito.

Matapos nito ay ipinakita din kung papaano rumesponde ang Quezon City Fire.

Ayon kay Insp. Joy Opalec, malaki ang posibilidad na magkaroon ng sunog kapag lumindol.

“Pagkatapos ng lindol, mostly 99%, susunod yung may sunog.”

Sakaling mayroon namang maaksidente, nakaantabay din ang mga ambulansya ng Quezon City upang agad na maihatid sa pagamutan ang mga pasyente.

Ipinakita din ng Red Cross QC Chapter ang mga first aid treatment na dapat gawin sa sinomang maaksidente.

Sa pagtatapos ng programa ay agad namang nagpaabot ng pagbati ang mga kinatawan ng Philippine Red Cross at Quezon City Fire sa QCPD dahil naging matagumpay ang idinaos na earthquake drill. (Joan Nano, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481