MANILA, Philippines – Magpapatupad ng panibagong dagdag sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) para sa bill ngayong Mayo.
Batay sa anunsiyo ngayong Biyernes, sinabi ng Meralco na tataas ng P0.185 kada kilowatt hour (kWh) ang singil dahil natapos na ang refund sa over recovered charges.
Bukod pa anila ito sa bahagyang pagtaas sa generation charge.
Ang dagdag singil ay katumbas ng P37 para sa residential consumers na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, P55 para sa 300 kWh, P73 para sa 400 kWh, at P90 para sa 500 kWh ang buwanang konsumo.
Ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagpatupad ng dagdag-singil ang power distributor.
Noong buwan ng Abril ay tumaas din ang singil ng Meralco dahil sa pagtaas ng generation charge.
The post Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong Mayo appeared first on UNTV News.