MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang napaulat na pagkasayang umano ng supply ng COVID-19 vaccine na ipinadala sa bayan ng Makilala sa Cotabato.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 348 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ang umano’y nasayang matapos mapabayaan sa loob ng freezer nang magkaroon ng power outage sa lugar.
Paalala naman ng kagawaran sa mga lokal na pamahalaan na bantayang maigi ang kanilang COVID-19 vaccine supply upang matiyak ang wastong temperature sa pag-iimbak nito.
“Hindi lang po isang beses isang araw ang ginagawang pagmo-monitor ng temperatura ng bakuna. Ito po ay ginagawa kada apat na oras,” ani Vergeire.
Nakipag-ugnayan na aniya sila sa lokal na pamahalaan kaugnay ng insidente.
“As to the sanctions, they were already advised and the local government has been coordinated with by our regional Office,” ang wika ni Vergeire. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)
The post Umano’y nasayang na supply ng COVID-19 vaccine sa Cotabato, iniimbestigahan na — DOH appeared first on UNTV News.