Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mas istriktong lockdown, ibinabala sakaling muling tumaas ang COVID-19 cases sa bansa

$
0
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagpapatupad ng mas mahigpit na community quarantine restrictions sakaling muling maranasan sa bansa ang COVID-19 surge kasunod ng napaulat na kaso ng bagong coronavirus variant.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos iulat ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagkakaroon ng kumpirmadong kaso ng bagong coronavirus variant sa bansa kabilang na ang unang natukoy sa India.

“If I am strict at kung may improvement sa ngayon sa larangan ng ating mga siyudad. There’s a sharp drop of cases, it’s because they followed the protocols. Kasi kapag hindi, mapipilitan again ako na to impose lockdown and everything at mag-istrikto ang gobyerno,” ayon sa Pangulo.

Bagaman ayaw na niyang muling isara ang ekonomiya, iginiit ng pangulo na kailangan pa ring pakinggan ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) upang matiyak ang kalusugan ng publiko at maiwasan ang pagkalat ng virus.

Muli ring nanawagan si Pangulong Duterte sa publiko na sundin ang health protocols, at kung ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 ay mas maiging manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay upang huwag mahawa at makahawa ng virus.

“If you, hindi ninyo sumusunod at may resurgence naman plus the new variants ay mapipilitan talaga ako mag-impose ng lockdown, maybe stricter this time because hindi natin alam kung anong variants yan,” ang pahayag ng Pangulo.

Ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ng Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna ay nasa ilalim ng general community quarantine mula Mayo 15 hanggang 31.

Sa tala ng Department of Health nitong Lunes, umaabot na sa 1,149,925 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa 54,235 sa mga ito ang aktibong kaso, habang nasa 1,076,428 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling at 19,262 ang nasawi dahil sa sakit. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

The post Mas istriktong lockdown, ibinabala sakaling muling tumaas ang COVID-19 cases sa bansa appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481