Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga For Hire truck na hindi nakakuha ng provisional authority ngayong araw, huhulihin na ng LTFRB sa susunod na linggo

$
0
0

Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) facade (UNTV News)

MANILA, Philippines — Ngayong araw ang deadline para sa lahat ng mga mag-aapply ng provisional authority sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Simula sa Lunes ay hindi na magbibigay ng pa ang LFTRB, ibig sabihin lahat ng mga out of line at colorum na “for hire” trucks ay hindi na papayagang maka-pasada sa mga lansangan sa bansa.

Batay sa napagkasuduan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), LTFRB at mga LGU’s, tuloy ang panghuhuli sa lahat ng mga “for hire” trucks na hindi makakakuha ng provisional authority.

Dalawang daang libo ang multa sa lahat ng mga “for hire” truck na mahuhuling walang prangkisa at provisional authority.

Hanggang kaninang hapon, marami pa rin ang naghahabol sa tanggapan ng LTFRB upang makakuha ng provisional authority.

“Sana po bigyan pa kami ng extension kasi sabi ngayon deadline ng application. Sana bigyan kami ng 120 days,” ani Grace Bangalan na isang truck operator.

“Yung hindi aabot ay wala na po maibibigay sa kanila pero pwede pa naman sila mag-apply ng franchise ng trucks for hire pero hindi na kami magbibigay ng provisional authority starting matatanggap namin sa Monday,” saad ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez.

Subalit nangangamba pa rin ang ilan na baka kahit makakuha sila ng provisional authority ay hulihin sila lalo na sa lungsod ng Maynila.

Nilinaw ni Chairman Ginez na kapag nakakuha sila ng provisional authority ay kikilalanin ito ng lahat ng mga LGU at ng MMDA batay na rin sa napagkasuduan.

Kailangan lamang ipakita ang kopya ng provisional authority sa humuhuling traffic law enforcer upang makaiwas sa multa.

“Dapat ay wala na silang pangamba dahil na-recognize na yan sa aming pakikipagusap sa Metro Manila mayors at MMDA na gagalangin nila ang provisional authority na ibinigay natin hanggang October 17.”

Nagpaalala ang LTFRB na walang kailangang bayarang malaki sa pagkuha ng provisional authority,kailangan lamang nilang maghanda ng 520 pesos at dagdag na 70 pesos sa bawat isang unit.

Nilinaw naman ng LTFRB na ang lahat ng mga provisional authority ay epektibo lamang hanggang October 17, matapos nito dapat lahat ng mga nag-apply ay magkaroon na ng yellow plates.

Samantala, ire-refund ng LTFRB ang 250 pesos na naibayad ng mga nag-apply ng franchise exemption matapos itong kanselahin ng LTFRB. Maaari lamang makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang makuha ang refund. (Mon Jocson, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481