Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Biyahe patungong Cagayan Province, mas bibilis sa pagbubukas ng Ninoy Aquino bridge

$
0
0

Inaasahang bibilis na ang biyahe patungong Cagayan Province sa pagbubukas ng Ninoy Aquino bridge (UNTV News)

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbubukas ng Ninoy Aquino bridge sa Tuao, Cagayan Province bilang bahagi na rin ng paggunita sa kamatayan kanyang ama at dating senador Ninoy Aquino.

Nagkakahalaga ang proyekto ng halos anim na raang milyong piso.

Dahil sa tulay at proposed connecting road network, maidudugtong nito ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos region at Cagayan.

Sa pagbubukas ng panibagong ruta na ito, inaasahang makakatulong ng malaki ito sa turismo at kalakalan sa Cordillera at Cagayan region.

“Dati raw po, inaabot ng hanggang limang oras kung maglalakbay mula Tuao patungong Cabugao sa Apayao, ngayon humigit kumulang, dalawang oras at kalahati nalang ang biyahe,” saad ng pangulo.

Kasabay ng pagbubukas ng Ninoy Aquino bridge, nagpaalala naman ang pangulo sa mga pulitiko na unahin muna ang pagtatrabaho at iwasan muna ang maagang pangangampanya at pamumulitika.

“Mga kasama, kapag nagbabasa tayo ng dyaryo araw araw tila marami nang nangangampanya, parang nakalimutan nila may problema tayo ngayon, mayroon namang problema sa 2016, 2016 na yun. Ngayon tugunan muna natin yung problemang bumabalot sa atin pong sambayanan dahil obligasyon natin maski sa ano tayong panig kung tayo ay may magagawa sa kapwa di pwede somewhere down the line.”

Nagpahayag naman ng pagsuporta ang mga opisyal ng Apayao at Cagayan province sa mga reporma ng administrasyong Aquino sa kabila ng mga kritisismong ibinabato sa administrasyon at isa na rito ang isyu sa Disbursement Acceleration Program (DAP). (Nel Maribojoc, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481