Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

COMELEC, dedesisyunan sa linggong ito kung gagamit ng bagong voting machines para sa 2016 elections

$
0
0

“Other technology, DRE touch system, out na ‘yun” — COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Para kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes Jr., malabo nang gumamit ng Direct Recording Electronic o DRE voting machines para sa darating na 2016 elections.

Hindi gaya sa Precinct Count Optical Scan o PCOS na ginamit nitong 2010 at 2013 national elections, ang DRE ay touch screen na pipindutin na lamang ng isang botante sa screen ng voting machine ang napili nitong kandidato.

Dati nang binanggit ni Brillantes na kung papalitan ng DRE system ang PCOS machines, mangangailangan ng 60 bilyong pisong budget para rito.

Ayon kay Brillantes, sa ngayon ang pinag-uusapan ay tungkol na lamang sa PCOS.

“Whether we use the same PCOS in 2010 and 2013, which is the dominion smartmatic PCOS is the issue. Do we use the existing or we go into another technology? PCOS pero ibang brand.”

Sa halip na palitan ang mahigit sa 80 libong PCOS machines, ikinukonsidera rin ng poll body ang magdagdag na lamang.

“Other option gamitin ang existing but purchase additional or lease additional machines. Kailangan kapareho o iba? These are all the variation that we need to study.”

Para sa COMELEC mas makatitipid kung ang mga PCOS ang gagamitin sa darating na halalan.

“Pero pwede bigyan budget to purchase new PCOS machine.”

Nauna nang kinuwestiyon ng ilang grupo ang integridad ng mga PCOS machine na ginamit noong 2010 at 2013 elections.

Bukas nakatakdang magsumite ng formal recommendation ang COMELEC Advisory Council (CAC) sa gagamiting teknolohiya sa 2016 elections.

Maglalabas naman ng desisyon hinggil dito ang COMELEC en banc bukas o sa Huwebes.

Sa ilalim ng batas ang CAC ang magrerekomenda sa COMELEC kung alin ang most appropriate, secure, applicable at cost effective technology na gagamitin para sa automated election system.

“Recommendatory lang ang CAC. We are not compelled to accept it but pag-aaralan mabuti because basis sila ng technology for the people.” (Victor Cosare, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481