MANILA, Philippines — Bago matapos ang buwan ng Agosto ay posibleng isumite na ng Malacañang sa mababang kapulungan ng Kongreso ang final draft ng Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, masusing pinag-aaralan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga probisyon sa final draft ng Bangsamoro Basic Law na isinumite ng GPH at Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace panels matapos ang ilang araw na pagrebisa dito.
“So, the president has seen submitted the draft so he was going through specific timelines between now, ngayon nasa akin na pagaaralan ng president uli.”
Dagdag pa ng kalihim, ilang probisyon na lamang sa balangkas ng Bangsamoro Basic Law ang kailangang pag-aralan ng pangulo.
“The bulk of it has been already agreed upon by both panels more than 70 percent agreed upon so we are looking a few provisions that with still the need of the presidents observation, certainly the presidents knows the importance of this agreements we are waiting for the submission in congress,” pahayag pa ni Lacierda.
Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang ng Malacañang ang resulta ng magiging review ng pangulo sa naturang panukalang batas at kung may kinakailangan pang baguhin sa ilang probisyon nito. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)