CALIFORNIA, USA — Ang San Diego, California ay kilala bilang Birthplace of American Naval Aviation at Home of the Naval Top Gun School.
Kaya naman hindi nakapagtatakang isa sa pinakasikat na tourist destination sa nasabing siyudad ay ang itinuturing na most-visited naval ship museum sa buong mundo – ang USS Midway.
“So that this has become a place where parents can inspire their children about service to country and community. It’s where youngsters can become educated about what it takes to serve the country and serve the world. If you look at the reviews and the comments, this is a place of inspiration,” saad ni USS Midway Museum Marketing Director, Scott Mcgaugh.
“And when people come away with is that they are amazed what it takes to operate a carrier, a floating city at sea out in the ocean,” dagdag nito.
Ngayong taon, ipinagdiriwang ng USS Midway ang ika- 10 taon nito bilang museo.
Ang USS Midway ay nagsimulang i-komisyon noong taong 1945 at itinuring na longest-serving U.S. Navy Aircraft Carrier ng 20th century.
Ilan sa mga naging assignment nito ay ang Persian Gulf War Parasa Operation Desert Storm, Cold War at Vietnam War.
Maalalang ang USS Midway din ang nag-rescue sa mga Amerikanong sundalo at sibilyan na nasa Subic naval base nang pumutok ang Mt. Pinatubo noong 1991.
Kaya naman marami ring mga kababayan natin Fil-Am ang pumupunta sa museo upang matutunan ang kasaysayan ng USS Midway.
“Hindi ka na man palaging nakakakita ng aircraft carrier. Ito makikita mo siyang live. Na-experience mo hands on kung ano yung mga nandito, mga eroplano, yung mga buhay ng mga tao na nagtatrabaho dito, tsaka yung mga gamit nila. Kung baga, makikita mo, mae-experience mo first hand,” ani Philip Andres na isang Fil-Am guest.
Nais ng mga namamahala sa USS Midway Museum na lalo pang mai-preserve ang legacy at history ng naturang barko at makapagbigay pugay sa mga sundalong nagsilbi sa bansang Amerika sa mga nakalipas na taon, sa pamamagitan ng patuloy na educational tour sa USS Midway. (Beverly Sayson, UNTV News)