MANILA, Philippines – Nasa 96 porsiyento na sa hanay ng A1 o healthcare sector ang nababakunahan kontra COVID-19 at maaaring makumpleto na sa susunod na buwan ang target inoculation sa grupo.
Ngunit para sa World Health Organization (WHO), hindi pa napapanahon ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa healthcare workers sa gitna ng lumulobong kaso ng coronavirus infections.
Ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, maaari lamang umpisahan ang pagbibigay ng booster shots kung nasa 40 porsiyento na ng populasyon ng bansa ang nababakunahan na kontra COVID-19.
Kailangan ring unahin ang pagbibigay ng booster shot sa mga immunocompromised individuals.
“Among health workers also there could be immunocompromised individuals, and there may be a need for those individuals to receive booster shots. But universal administration of booster shots, even for health workers at this point in time, WHO does not have a recommendation to support that,” ani Abeyasinghe.
Una nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na posibleng mabigyan ng booster shot ang health workers dahil lumipas na ang anim na buwan mula nang makumpleto ang kanilang COVID-19 vaccine doses.
Sa ngayon ay nasa 17 milyon pa lang sa 110 milyong indibidwal na kabilang sa priority sectors ang fully vaccinated sa bansa.
The post Pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa health workers, hindi pa napapanahon – WHO appeared first on UNTV News.