Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga nakatenggang container sa Manila port area, pinangangambahang madadagdagan pa — DTI

$
0
0

FILE PHOTO: Container port of Manila (UNTV News)

MANILA, Philippines – Posibleng madadagan pa ang bilang ng mga container na nakatengga sa mga pantalan ngayong third quarter ng taon ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay DTI Secretary Gregory Domingo, ito ay bunsod ng pagpasok sa bansa ng mga importation ng iba’t-ibang produkto gaya ng poultry products, prutas at iba pa.

“Ang problema ber months ngayon kaya nagdadagsaan na yung mga imports, yung mga containers maraming padating,” saad ng kalihim.

Dahil dito, kinakailangan na aniyang mailipat sa ibang lugar ang mga container at magpatupad ng mas mahigpit na panuntunan sa Manila Port area upang maialis na ang mga overstayed cargoes.

“Tataasan yung penalty or yung rate yung demorahe nila tataasan at tsaka yung ibang long staying na dun ay ilipat sa Subic,” ani Domingo.

Batay sa pahayag ng DTI, tinatayang nasa 81-libong container ang capacity ng pantalan sa Maynila at malapit na itong mapuno sa ngayon.

Sa ngayon tinatayang nasa halos 8,000 hanggang 9,000 containers ang nailalabas sa Manila ports araw-araw. Mas mataas ito ng mahigit sa limampung porsyento kumpara noong wala pang umiiral na last mile ang MMDA.

Hinikayat naman ng kalihim ang mga importers na samantalahin ang 24/7 na operasyon ng Manila port upang lalo pang mapabilis ang paglalabas ng mga cargo.

“Yung ating mga importers naglalabas lang ng goods at nagpapasok five days of the week so may dalawang araw, basically Sunday and Monday morning na walang gumagamit ng port kokonti lang.”

Naniniwala din ang DTI na malaki ang maitutulong ng ipinatutupad na last mile project ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang masolusyunan ang port congestion. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481