Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

42 barangay sa Baguio City, isinailalim sa granular lockdown

$
0
0

Umabot na sa 42 barangay sa Baguio City ang isinailalim sa granular lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng COVID -19.

Batay sa naitalang datos ng Baguio Health Services Office noong Sabado, 411 positive COVID-19 cases ang pinakamaraming naitalang kaso sa loob lamang ng isang araw habang pito naman ang naitalang nasawi.

Pumalo naman sa 2,965 ang kabuoang aktibong kaso ng COVID -19 sa siyudad.

Kaya naman mula noong September 13, nasa 62 areas o 42 barangay na sa lungsod ang isinailalim sa granular lockdown na kabilang sa mas pinahigpit na Delta contingency plan ng Baguio City

“This is really affecting our decision. ‘Yung ating stricter guidelines, protocols are there and it might become more stricter depending on our status.” ani Engr. Bonifacio dela peña, ang city administrator ng Baguio City.

Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng granular lockdown mas mapapadali ang contact tracing at disinfection activities ng local government unit (LGU)  upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng virus.

May nakalaan namang ipamimigay na food packs para sa mga maapektuhan ng lockdown upang masigurong hindi na lalabas ng bahay ang bawat indibidwal na sakop ng granular lockdown.

Maliban dito mas hinigpitan na rin ang border control, gayundin sa pagpapatupad ng minimum public health standards sa mga establisyiemento at workplace.

Lalawakan din ang isasagawang risk-based targeted testing at aggressive contact tracing.

Hiling naman ng LGU na makipagtulungan ang bawat indibidwal na sasailalim sa granular lockdown upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19. (Mula sa ulat ni Bradley Robuza)

 

The post 42 barangay sa Baguio City, isinailalim sa granular lockdown appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481