Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mas maluwag na polisiya para sa fully vaccinated travelers, hiniling ng airline companies

$
0
0

MANILA, Philippines – Nanawagan sa pamahalaan ang ilang airline companies na bawasan ang ipinatutupad na restrictions para sa mga pasaherong bakunado na kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, marami pa rin kasing hinihinging requirements kaya napipigilan ang marami na bumiyahe sa malalayong lugar.

Aniya, umaapela ang airline companies na bawasan sana ang quarantine period para sa fully vaccinated travelers at pagayang gamitin ang antigen test kaysa sa mas mahal na RT-PCR test.

“This is the group that we are trying to help kasi they’re in danger right now, the way I see it, of viability,” ani Concepcion.

“Maybe we can reduce the quarantine of the incoming passengers back home to the Philippines […] Malaking bagay rin yan sa mga gastos ng mga turista na dumadating dito maski local tourist tayo. Maraming ideas and tingin namin there is no choice but we have to save our airline sector kasi kung masira ang airline sector natin masisira rin yung tourism sector natin,” dagdag pa niya.

Samantala, muli namang iginiit ni Concepcion ang pagsusulong ng “bakuna bubble” na aniya’y epektibong paraan para unti-unting buhayin ang ekonomiya ng bansa at mapalakas pa ang biling ng mga nais magpabakuna.

Una nang kinontra ni World Health Organization Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe ang panukala dahil posible umanong magdulot lamang ito ng infection spread sa mga bakunadong indibidwal.

“I think hindi niya naintindihan yung ibig sabihin ng bakuna bubble. Sa component ng bakuna bubble, dalawa yan – may family bubble at may business bubble,” ani Concepcion.

“Ang nangyayari ngayon yung mga pamilya ang tinatamaan ngayon eh [… ] Ang granular approach nangunguna yan, ang pamilya, yung bahay nila. Dito naman sa business bubble, organized ang private sector. Sa private sector, 90% to 100% percent ang fully vaccinated na ang empleyado dahil sa business bubble,” dagdag pa niya.

Malaking bagay din aniya ang ipinatutupad ngayon na granular lockdown sa Metro Manila kung saan mas maluwag na ang mobility ng mga bakunadong indibidwal.

Naniniwala si Concepcion na sa pamamagitan nito ay mas marami pang makukumbinsing magpabakuna at mababawasan ang pagkakaospital ng mga unvaccinated individual dahil sa coronavirus infection.

The post Mas maluwag na polisiya para sa fully vaccinated travelers, hiniling ng airline companies appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.