Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

COVID-19 antigen test para sa mga maghahain ng COC, hindi inirerekomenda ng DOH

$
0
0

MANILA, Philippines – Hindi sang-ayon ang Department of Health (DOH) sa paggamit ng antigen test ng mga maghahain ng kanilang certificate of candidacy o COC sa Oktubre.

Una nang inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na magtatakda ito ng antigen testing booth kung saan idaraos ang COC filing ng mga kakandidato sa 2022 elections na hindi makapagsusumite ng RT-PCR test result.

Kabilang sa mga requirement ng COMELEC ang pagprisinta ng negative result sa sinomang tatakbo sa pagka-pangulo, vice president, senator o party-list representative na magsusumite ng kanilang certificate of candidacy, gayundin ang kanilang mga kasama sa araw ng COC filing.

Pero ayon kay DOH Undesecretary Maria Rosario Vergeire, may akmang gamit ang rapid antigen test kaya hindi ito ang dapat na gamitin ng COMELEC.

Batay sa DOH Covid-19 management protocol, ang mga rapid antigen test ay para lamang sa mga may matas na viral load o flu-like symptoms, maging sa mga may exposure sa COVID-19 positive at mga nakatira sa mga lugar na may clustering o surge ng kaso.

“We don’t recommend the rapid antigen test kits to be used as a screening test for people who will vote or for people whose going to join in events. Kaya nga sabi nga namin last week, kailangan appropriate ang use para walang question as the results that will come out if ever we use it,” ani Vergeire.

Magpupulong muna aniya ang DOH at COMELEC kung ano ang mga dapat na ipatupad na protocol upang masegurong ligtas at hindi maging dahilan ng hawaan ng COVID-19 ang isasagawang paghahain ng COC ng mga kakandidato sa darating na halalan.

“Makikipag-ugnayan din tayo because the COMELEC naman po nakikipag- ugnayan sa atin, nakikipagusap sa atin tungkol sa mga health protocols. Kasama pa rin po kami sa nagbibigay ng recommendation, we will be discussing this with them para po appropriate na mga testing protocols ang maisagwa natin sa mga ganitong events na ito,” ang pahayag ni Vergeire.

Sa Oktubre na nakatakdang simulan ang paghahain ng COC para sa mga nais tumakbo sa 2022 elections.

The post COVID-19 antigen test para sa mga maghahain ng COC, hindi inirerekomenda ng DOH appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481