MANILA, Philippines – Nagpa-alala ang Department of Health (DOH) sa mga pribadong kumpanya na hindi pa maaaring gamitin sa mga bata ang mga binili nilang COVID-19 vaccines.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, saklaw ng tripartite agreement ang pagsunod ng mga pribadong kumpanya sa kasunduan hinggil sa pagbabakuna sa mga kabilang sa priority sectors.
Sa ilalim ng vaccination program ng pamahalaan, tanging healthcare workers, senior citizens, persons with co-morbidities, essential workers at indigents pa lamang ang maaaring turukan ng COVID-19 vaccines.
“They all went through this tripartite agreement with the national government at isa po doon sa mga kondisyon doon sa tripartite agreement na iyon, iyon pong mga nagpo-procure sa private should abide and should align with the national government guidelines,” ano Vergeire.
“Sa ngayon wala pa po tayong rekomendasyon ng pag-uumpisa ng pagbabakunsa mga kabataan,” dagdag pa niya.
Maging ang Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines na binili ng mga pribadong kumpanya ay hindi pa maaaring ibigay sa mga batang may edad 12 hanggang 17 hangga’t wala pang pahintulot mula sa pamahalaan.
The post Bakunang binili ng private sector, hindi maaaring gamitin sa mga bata – DOH appeared first on UNTV News.