Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagbabakuna sa general adult population vs COVID-19, maaari nang simulan – DOH

$
0
0

MANILA, Philippines – Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes na maaari nang simulan ang pagbabakuna sa general adult population kontra COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sakop ng general adult population ang mga indibiduwal na may edad 18 pataas.

Kailangan lang aniya makipag-ugnayan ng publiko sa kani-kanilang local government units upang malaman kung kailangan pang magpa-rehistro sa pagpapabakuna o kung papayagan ang walk-in.

Ngunit pakiusap ng DOH sa mga lokal na pamahalaan, bigyan pa ring prayoridad sa pagbabakuna ang mga matatanda at may mga karamdaman.

“Ito pong pagbabakuna sa general population ay nag-uumpisa na, pwede nang umpisahan ngayon among our adult population,” ani Vergeire.

“Pero gusto lang po namin manawagan sa ating local governments, sana po magkaroon ng special or dedicated lanes para sa ating mga senior citizens at mga taong may comorbidities,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Vergeire na pinaghahandaan na nila sa ngayon ang pagsisimula ng pagbabakuna kontra COVID-19 para naman sa mga batang may edad 12 hanggang 17 na may co-morbidities.

Tiniyak din niyang may kapasidad ang pamahalaan upang malaman kung magkakaroon ng adverse effects ang mga bata kapag naturukan ng bakuna.

“Hindi po natin kailangan ikabahala dahil hindi ibibigay ng gobyerno ito kung makakasama sa ating mga kabataan. Lagi nating tatandaan, kapag ibinigay, the benefit outweighs the risk,” ani Vergeire.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 49.6 milyong doses ang na-administer sa bansa. Mahigit sa 23 milyon ang fully vaccinated na habang nasa 26 milyon naman ang nakatanggap ng unang dose. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

The post Pagbabakuna sa general adult population vs COVID-19, maaari nang simulan – DOH appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481