Image may be NSFW.
Clik here to view.
Ilang bahagi ng Northern Luzon ang hindi ngayon madaanan dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.
Sa Cordillera Administrative Region, sarado ang ilang pangunahing kalsada dahil sa mga insidente ng rock slide at landslide.
Kabilang sa mga isinarang kalsada ang Kennon Road, Baguio-Bontoc Road, Asin-Nangalisan-San Pascual Road, Baguio-Bontoc Road, Benguet-Nueva Vizcaya Road, at Baguio Bauang Road.
Nagpapatuloy na ang clearing operations sa mga nasabing kalsada.
Samantala, lubog naman sa baha ang ilang pangunahing tourist sites sa Baguio City, kabilang na ang Burnham Park.
Binaha rin ang strawberry fields sa La Trinidad, Benguet dahil pa rin sa epekto ni Maring.
Sa bahagi naman ng Cagayan, napinsala ng baha ang mga libro, module, at computers sa Simpatuyo Elementary School sa bayan ng Sta. Teresita dahil sa mga pag-ulan.
Maging ang mga kagamitan sa ilang silid aralan sa Casilagan Primary School sa Buguey, hindi rin nakaligtas.
Tinangay naman ng malakas na hangin ang bubong ng ilang paaralan sa isla ng Calayan.
Sa pinakahuling ulat ng state weather bureau na PAGASA, palabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong Maring ngunit makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng habagat na pinalalakas ng bagyo.
The post Ilang bayan sa Cordillera region at Cagayan, binaha dahil sa epekto ni ‘Maring’ appeared first on UNTV News.