Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Boracay Island, bukas na para sa mga turista mula NCR, at mga lugar na nasa GCQ at MGCQ – DOT

$
0
0

 

Maaari nang makapasok sa Boracay Island ang mga lokal na turista anuman ang edad, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ayon sa DOT, may go signal na mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang muling pagtanggap ng turista sa isla.

Ngunit paglilinaw ng kagawaran, sakop lamang nito ang mga turista na mula sa National Capital Region (NCR), at mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Dapat rin ay fully vaccinated kontra COVID-19 ang mga turista na may edad 65 pataas, mga menor de edad at buntis.

Sinabi rin ng DOT na kahit bakunado na ay required pa rin ang mga turista na magprisinta ng negative RT-PCR test na isinagawa 72 oras bago pumasok sa isla.

Kailangan rin nilang ipakita ang booking confirmation, ID, travel details, S-Pass travel at accomplished online health declaration form.

Noong Hulyo, tumanggap na rin ang isla ng safe travel stamp mula sa World Travel and Tourism Council bilang patunay na nakakasunod ito sa global health protocols.

Sa ngayon, 286 na mga establisyemento na sa Boracay ang may certificate to operate o katumbas ng 16,000 kwarto.

Mula ika-14 ng Oktubre, umabot na sa 9,640 ang tourist arrival sa isla na mas mataas kumpara noong buong buwan ng Setyembre na nasa 6,702 lamang.

The post Boracay Island, bukas na para sa mga turista mula NCR, at mga lugar na nasa GCQ at MGCQ – DOT appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481