MANILA, Philippines — Muli na namang nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis ngayong Martes (Oktubre 26).
Epektibo alas dose uno ng madaling araw, unang nagdagdag ng P1.15 sa presyo ng kada litro ng gasolina ang Caltex.
Itinaas naman nito ng P0.45 naman ang presyo ng kada litro ng diesel, at P0.55 naman sa kerosene.
Sunod na nagpatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa gasoline, diesel at kerosene ang Shell, Petron, Seaoil at Flying V alas sais ng umaga ngayong araw.
Ang Unioil, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Petrogazz at Total Philippines naman ay nagpatupad din ng P1.15 na pagtaas ng presyo sa kada litro ng gasolina at P0.45 sa kada litro ng diesel.
Ang Cleanfuel naman ay magpapatupad din ng kaparehong dagdag-presyo sa gasolina at diesel simula alas kwatro uno ng hapon.
Ito na ang ika-siyam na sunod na linggo na nagpatupad ng price increase ang mga kumpanya ng langis sa bansa. —/mbmf
The post Presyo ng mga produktong petrolyo, muling tumaas appeared first on UNTV News.