Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Resulta ng flood control projects, sa August 2015 pa posibleng maramdaman — Malacañang

$
0
0

FILE PHOTO: Pagbahang dulot ni Bagyong Mario nitong nakaraan Biyernes sa Kalakhang Maynila. (MOSQUITON ISACAR / UNTV News)

MANILA, Philippines – Dumipensa ang Malakanyang sa mga kritiko nito na nagsasabing walang silbi ang mga flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ay dahil na rin sa mga naranasang mga pagbaha sa kalakhang Maynila nitong mga nakaraang linggo dulot ng Bagyong Mario at habagat.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ito ay dahil hindi pa nakukumpleto ang flood control projects ng gobyerno para sa mga critical area ng Metro Manila na nagkakahalaga ng limang milyong piso.

Aniya, posibleng sa susunod na taon pa mararamdaman ang magandang resulta ng mga nasabing proyekto.

“Target date of completion for all sinasabi ni Secretary Singson is by August of next year mararamdaman na daw po natin yung luwag.”

Pangunahing target na masolusyunan agad ng DWH ay mapaluwag ang mga daanan ng tubig at maalis ang mga nakabarang basura sa mga estero, gayundin ang pagpapalaki sa mga makikitid na drainage, at rehabilitation ng mga pumping stations sa kalakhang Maynila.

Ang mga proyektong ito ay bahagi ng flood management masterplan ng administrasyong Aquino para sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Paliwanag pa ng Malakanyang, aabutin rin ng limang taon ang paglilikas sa mga pamilyang nakatira sa mga estero sa Metro Manila na nagsimula pa noong 2011.

“Dun sa informal settlers families living in dangerous areas kasama dyan dun sa mga waterways, of course hindi natin sila agad agarang maililipat dahil iintayin pa nating maitayo yung mga paglilipatan, pero nasimulan na rin natin yun,” pahayag pa ni Valte. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481