Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Guidelines para sa lifestyle check sa mga pulis, tinatapos na

$
0
0

FILE PHOTO: Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tinatapos na ng technical working group ang guidelines na gagamitin para sa pagbubusisi ng yaman ng mga pulis.

Ayon kay Sec. Mar Roxas, ang grupo ay kinabibilangan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Ombudsman, PNP Internal Affairs Service, National Police Commission (NAPOLCOM) at Department of Interior and Local Government (DILG).

“Ito naman ay bahagi ng pagbabantay sa kapulisan lalung-lalo na sa anti-scalawags efforts. Binubuo ito ng memorandum circular mula sa DILG, NAPOLCOM.

Sinabi pa ni Roxas na dalawang linggo ang kanilang inilaan upang tapusin ang guidelines sa pagsasagawa ng lifestyle check sa mga pulis.

“Sa susunod na linggo ay matatapos na ito at lalabas na ito, kabahagi dito ang rules and regulations sa pagsasagawa ng lifestyle check. Nakipag-ugnayan na tayo sa BIR at Ombudsman para sa rules sa lifestyle para mai-adopt ng NAPOLCOM sa kapulisan,” saad pa ng kalihim.

Nabuksan ang isyu ng lifestyle check sa mga pulis matapos mabunyag ang mga yaman ng ilang pulis na sangkot sa hulidap sa EDSA-Mandaluyong at maging ang natuklasang mansion ni PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Paliwanag ni PNP PIO Chief P/CSupt. Reuben Theodore Sindac, handang sagutin ni Purisima ang mga isyu at kasong isinampa laban sa kanya.

“Ito naman ay naka-file ng kaso at sasagutin naman lahat ng ito sa tamang panahon kapag nabasa na yung charges, pag napadalhan na ng notice to submit a response,” ani Sindac.

Sa kabila ng kaliwat-kanang batikos at kontrobersiya na kinakaharap ng pinuno ng pambansang pulisya, tiniyak ng tagapagsalita ng PNP na buo pa rin ang kanilang suporta kay Gen. Alan Purisima. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481