MANILA, Philippines – Magpapatupad na rin ng oil price rollback ang iba pang oil companies.
Batay sa anunsyo ng Petron, epektibo alas-12:01 ng madaling araw bukas (Martes), 35 sentimos ang ibabawas nito sa kada litro ng diesel at kerosene habang 15 sentimo naman sa gasoline.
Sunod namang magrorollback ng kaparehong halaga sa presyo ng diesel at gasolina ang kumpanyang Phoenix Petroleum pagsapit ng ala-6 ng umaga.
Una nang nagbawas sa presyo ng produktong petrolyo kahapon ang Flying-V. (UNTV News)