Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang mandatory measures, inihahanda na ng DOH upang matiyak na hindi makapapasok sa bansa ang Ebola virus

$
0
0

Yesterday, President Benigno S. Aquino III addressed the 65th session of the World Health Organization (WHO) Regional Committee for the Western Pacific.
Photo by the Malacañang Photo Bureau

MANILA, Philippines – Hindi maaaring magwalang bahala ang Pilipinas sa mga kumakalat na sakit partikular na ang nakamamatay na Ebola virus.

Ito ang inihayag ng World Health Organization (WHO) sa pagbubukas ng 65th Session ng WHO Regional Committee for the Western Pacific kahapon ng umaga sa Pasay City, Lunes.

Paliwanag ni WHO Geneva Executive Director Dr. Ian Smith, milyun-milyong overseas Filipino workers ang nasa iba’t ibang bansa na maaaring magdala ng sakit sa Pilipinas.

“As the Department of Health knows very well the large number of Filipino migrant workers all over the world makes this country vulnerable to the importation of disease from abroad whether involving the middle east MERS CoV or even more deeply feared Ebola virus disease.”

Kaya naman hamon ni Pangulong Aquino sa mga delegasyon ng iba’t ibang bansa kabilang na ang mga health minister na gumawa ng mga iniyastibo upang mapigilan ang pagkalat ng Ebola virus.

“Among the questions we need to keep asking ourselves are: How can we best educate our countrymen about these outbreaks, without spreading fear and panic? Is there an efficient and safe way to monitor our countrymen’s exposure to diseases, and to repatriate them, while ensuring their health, as well as that of the general populace? I speak for myself and my government when I say that we will continue to exert every effort and undertake all possible initiatives to find answers to these questions and keep our countrymen safe and healthy as pandemics threaten to spread.”

Ayon naman kay DOH Secretary Enrique Ona, ilang mandatory measures na ang kanilang inihahanda upang mapigilan ang pagpasok sa bansa ng nakamamatay na sakit.

“Dapat bago sila makauwi dito, we are required them to have a so called medical clearance. So ano yung ibig sabihin ng medical clearance, ibig sabihin lamang that they have been interviewed, tinanong kung na-expose sila to any possible exposure to somebody na either nagkasakit or namatay sa Ebola.”

Ayon sa DOH, may bubuuin silang monitoring team na tututok sa mga OFW na nasa West African State kung saan laganap ang Ebola virus.

Batay sa ahensya, halos dalawanlibong OFW ang nasa Liberia, Sierra Leone at Guinea.

Imo-monitor ng hanggang 21 araw ang mga Pilipinong uuwi sa bansa mula sa mga naturang lugar.

Mataas na lagnat o trangkaso, pagsakit ng tiyan at mga kalamnan at panghihina ang ilan sa sintomas ng may Ebola virus.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na wala pa silang desisyon kung magpapadala ang Pilipinas sa West African State ng mga health worker na tutulong sa pag-contain ng Ebola. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481