Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

LTFRB, naka-heightened alert para sa inaasahang dagsa ng mga biyahero sa susunod na linggo

$
0
0

MANILA, Philippines — Naka-heightened alert ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula Abril 8 hanggang 18 bilang suporta sa Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2022 ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa LTFRB, inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga bibiyahe pa-lalawigan sa mga nasabing petsa upang samantalahin ang mahabang bakasyon at maluwag na quarantine restrictions sa bansa.

Bilang paghahanda, inatasan ni LTFRB Chairman Martin Delgra III ang lahat ng pinuno ng ahensya sa buong bansa na makipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa lahat ng mga mananakay.

Magsasagawa rin ang ahensiya ng random inspection sa mga bus bilang bahagi ng pagtiyak sa road worthiness ng mga sasakyan at kaligtasan ng mga pasahero.

Maglalagay rin ng mga help desk sa ilang bus terminal na maaaring lapitan ng mga mananakay para sa anumang katanungan o reklamo.

Sa Metro Manila, ang mga sumusunod na integrated terminal exchange ay maaaring puntahan ng mananakay:

  • PITX (1 Kennedy Road, Tambo, Parañaque City)
  • SRIT (SM City Sta. Rosa, Sta. Rosa, Laguna)
  • NLET (Philippine Arena Compound, Bocaue, Bulacan)
  • Araneta Center Terminal (Times Square Ave, Cubao, Quezon City)

Paalala naman ng LTFRB sa publiko, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga lamang maaaring puntahan ang mga nabanggit na terminal alinsunod sa bagong “window scheme” na ipinapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority.

Binigyang-diin din ng ahensiya ang pagpapatupad ng health protocols gaya ng tamang pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

The post LTFRB, naka-heightened alert para sa inaasahang dagsa ng mga biyahero sa susunod na linggo appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481