Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Testimonya ni Benhur Luy, hinarang ng depensa ni Sen. Jinggoy Estrada

$
0
0

Bahagi ng ginanap na pagdinig sa Sandiganbayan nitong Lunes ukol sa PDAF Scam na kinasasangkutan ng umano ni Senator Jinggoy Estrada. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Handang-handa si PDAF scam whistleblower Benhur Luy nang humarap nitong Lunes sa 5th DIvision ng Sandiganbayan para sa bail hearing ni Senador Jinggoy Estrada.

Ipiprisinta sana ni Benhur Luy ang mga dokumentong nasa hard drive nito na nagpapakitang may natanggap na kickback si Estrada mula sa transakyon nito kay Janet Lim Napoles.

Ngunit bago pa man makapagsalita ang state witness ay hinarang na agad ito ng mga abogado ng senador.

Babala ni Atty. Alexis Abastillas-Suarez, maaaring maharap sa kaso si Luy kung itutuloy niya ang testimonya.

“We objected to it because it is against the E-Commerce Act and also to the Anti-Cybercrime Law kasi what he encoded belongs to the corporation of JLN and he only copied these files from the computer of JLN,” saad nito.

Dagdag pa ng abogado ni Estrada, ayon sa rules of court, kahit state witness pa si Benhur Luy ay maaari pa rin itong masampahan ng kaso.

“Iyong immunity niya is only covering to his past activities, not the present and also to the future,” pahayag pa ni Suarez.

Tinutulan naman ito ng prosekusyon.

Ayon kay Usec. Jose Justiniano, “Ang sinasabi ng Witness Protection Act, kapag ikaw ang magte-testify, lahat ng offense o offenses na kung saan gagamitin ang testimony mo immune ka na hindi ka na pwede kasuhan, at iyon ang sitwasyon ni Benhur Luy at ng ibang whistleblower, kahit sa future.”

Dagdag pa ni Justiniano, maaari lamang makasuhan si Luy kung piliin nitong umalis sa WPP.

Duda naman ang kampo ni Janet Lim Napoles na JLN Csorporation ang may-ari ng dokumentong ipiprisinta ni Benhur Luy sa korte.

Ayon kay Atty. Stephen David, abogado ni Napoles “Kami ang tingin namin diyan ay ginawa nila iyan noong nasa NBI naman siya. In fact iyong external hard drive niya nabili niya 2012 tapos madali naman i-manipulate iyong mga dates.

Nilinaw naman ng kampo ni Senador Estrada na hindi sila natatakot na maiprisinta bilang ebidensya ang mga dokumento na nasa hard drive ni Luy.

“Basta ako wala akong tinatago kung gusto nila buksan ang files na iyon walang problema sa akin,” anang senador.

“I admit, may dokumento naman diyan na nag-endorso ako ng NGO. Iyon lang siguro ang tanging kasalanan ko.” (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481