Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PCG, nakataas na rin ang alerto laban sa banta ng pagpasok ng Ebola virus

$
0
0

FILE PHOTO: Isang foreign vessel na nakadaong sa puerto (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nakaalerto na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) upang maiwasan ang pagpasok ng Ebola virus sa pamamagitan ng mga pantalan sa bansa.

Batay sa isang advisory na inilabas ng PCG, inaatasan nito ang mga foreign vessel na agad ipagbigay-alam sa kanila kung may mga tripulante o pasahero silang suspected carrier ng Ebola virus.

“So dapat yung mga shipping companies any suspected cases of Ebola should report to the PCG, Bureau of Quarantine ahead of time yung kanilang mga insidente,” pahayag ni PCG Spokesman Cmdr. Armand Balilo.

“Ang layon ng shipping advisory is also to yung mga representative within 15 days kung may mga sakit kung may namatay sa barko bago dumating sa Pilipinas ay ma-inform na sa nearest coast guard station,” dagdag pa nito.

Nakasaad rin sa inilabas na advisory ng Philippine Coast Guard ang mga sintomas ng isang taong posibleng may sakit na Ebola virus.

Kabilang sa mga sintomas nito ay ang lagnat, masakit ang ulo, joint at muscle aches, sore throat, panghihina, kasunod ang pagtatae, pagsusuka, pananakit ng tiyan bukod pa ang pagkakaroon ng rashes, pamumula ng mata at pagkakaroon ng internal and external bleeding.

Ani Balilo, “So pagka ganun, right away we get info baka crew officers, baka may sakit yung incubation ng 21 days papa-remind check at kung hindi mawala sakit 21 days i-report kaagad sa PCG o Quarantine.”

Kasama ring imomonitor ng PCG kung ang isang foreign vessel ay nagmula sa mga bansang apektado ng Ebola virus.

Maging ang mga barkong dadaong sa mga pantalan sa bansa ay kailangan ring magsusumite ng ulat sa Bureau of Quarantine kaugnay ng kalusugan ng mga sakay nito.

“Pwedeng hindi papasukin yung barko tulad noong ginawa sa SARS yung protocol kasi is with the Bureau of Quarantine nasa kanila kung kukunin yung pasahero o hindi papasukin ang barko sa PAR,” saad pa ni Balilo.  (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481