Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Isang bayan sa Albay, planong gawing tourist destination dahil sa madalas na dolphin sightings

$
0
0

FILE PHOTO: Albay Provincial Capitol (ALLAN MANANSALA / Photoville International)

ALBAY, Philippines – Ikinatuwa ng mga residente ng Sto. Domingo, Albay ang plano ng lokal na pamahalaan na gawing tourist attraction ang mga nakikitang dolphins sa karagatang sakop ng Albay Gulf.

“Maganda sa amin kasi may papasok na mga turista, maliban dito mauupahan ang bangka namin,” saad ni Doy Bansuela, residente sa lugar.

Ayon naman kay Jose Bansuela, “Mas maganda nga kung maging tourist destination. Sapagkat mawawa. Ang sa amin, yung, yung malalaking mangingisda mapaalis lamang dito sa lugar namin.”

Sakaling matuloy ang planong ito ng lokal na pamahalaan, tinatayang mahigit isang libong residente dito ang posibleng magkaroon ng trabaho.

Ngunit ayon kay Hilda Lopez, Provincial Coordinator for Fisheries of Coastal Resource Management ng probinsya, kinakailangan munang magsagawa ng public consultation sa mga mamamayan ng Brgy. Pandayan at mga lokal na opisyal upang mapagusapan ang mga problemang maaaring malikha nito.

“Ang dolphin dapat hindi sila nakakakain ng mga plastic, baka gawin yun ng mga tao dito. So, dapat talaga bawat isa magkaroon na sila ng kanya-kanyang disiplina, kasi wag lang iasa sa gobyerno.”

Ayon sa mga residente, Abril noong nakaraang taon nang unang makakita ng ilang bottlenose dolphin dito sa lugar.

Habang tumatagal ay dumadami ang mga ito at ngayon nga ay tinatayang aabot na isangdaang dolphin ang nakikita dito.

Ayon kay Erwin Gregorio, pangulo ng Bantay Dagat sa Barangay Pandayan, ang madalas na dolphins sighting ay nangangahulugan umano na hindi polluted ang kanilang karagatan.

“I-boom na sa turista, open na itong ano para pangkabuhayan na to para sa lahat. So we need the help of Navy, BFAR, and the maritime police para pangalagaan na yan. Andyan na po yan, kaya nga nagiisip ang gobyerno ng livelihood program.”

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang na dapat gawin upang maging tourist destination ang bayan ng Sto. Domingo.

Nangako naman ang mga residente na magtulong-tulong upang mapangalagaan ang kanilang karagatan. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481