UNTV GEOWEATHER CENTER ( 5am, 11/20/14) – Apektado ngayon ng Tail-end of a cold front ang Central at Southern Luzon.
Ayon sa PAGASA, patuloy na makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, CALABARZON, Aurora, Quirino, Bulacan, Isabela, Mindoro, Palawan at Bicol.
Dahil naman sa Amihan ay mararanasan ang papulo-pulong mahinang pag-ulan sa iba pang lugar sa Cagayan Valley, Ilocos at Cordillera region.
Sa iba pang lugar sa bansa ay makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog.
Mapanganib paring pumalaot sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE : 5.59am
SUNSET : 5.24pm
END