UNTV GEOWEATHER CENTER ( 7am, 11/26/14) – Nakataas na ang babala ng bagyo sa ilang lugar sa bansa dahil sa bagyong Queenie.
Kaninang 7am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 260km sa Silangang ng Hinatuan, Surigao del Sur taglay ang lakas ng hangin na 45kph.
Tinatahak nito ang direksyong West Northwest sa bilis na 25kph.
Ang signal number 1 ay nakataas sa Southern Leyte, Bohol, Southern Cebu, Southern Negros Oriental, Southern Negros Occ, Surigao del Norte kasama ang Siargao isl, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del sur, Davao del Norte, Davao Orriental, Compostella Valley, Dinagat prov, Camiguin, Missamis Orr, Missamis Occ, Bukidnon at Zamboanga del Norte
Ayon sa weather agency posibleng magland-fall o tumama si “Queenie” sa Surigao del Sur mamayang 6-8pm at lalabas sa Philippine Area of Responsibility sa Biyernes. ( Rey Pelayo/ UNTV News)
END