UNTV GEOWEATHER CENTER (11am, 11/29/14) – Papadikit na sa bansa ang Low Pressure Area na kaninang 10am ay namataan ng PAGASA sa layong 150km sa Silangan ng Davao City.
Ito ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Davao region, CARAGA, Samar at Leyte sa loov ng 24hrs.
Ayon sa weather agency maaari itong magdulot ng pagbaha at landslide.
Ang iba pang lugar sa Visayas at Mindanao ay makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
END