UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 12/01/14) – Binabantayan ngayon ng PAGASA ang namumuong ulap o cloud cluster sa Silangan ng Mindanao sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa weather agency, posible itong maging bagyo bago pa man pumasok sa PAR at papangalanan itong “Ruby”.
Samantala, sa ngayon ay apektado ng Easterlies o hangin na galing sa dagat pasipiko ang Silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
Magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang buong bansa at makararanas ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pagkulog lalo na sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Bicol, Samar, Leyte, CARAGA at Eastern section ng Davao.
SUNRISE – 6.05am
SUNSET – 5.24pm
END